Ibinabala ng isang eksperto ang pagpapatuloy ng militarisasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa susunod na isa o dalawang taon.
Kasunod ito ng paglalagay ng China ng surface to air missile sa Woody Islands.
Naniniwala si South China Sea expert Ian Storey ng Yusof Ishak Institute sa Singapore, maglalagay ang Beijing ng kaparehong armas sa mga islang kanilang inaangkin at maging sa mga man-made islands na ginagawa nila sa Spratlys Group of Islands.
Sa paraang ito, masusuportahan aniya ng China ang tunay na kapabilidad ng kanilang mga banta sa tuwing may hahamak na makiangkin sa inaagaw nilang teritoryo.
Una nang binatikos ng Amerika ang pagpapadala ng china ng nasabing mga surface to air missile sa Woody Island dahil isa umano itong malaking paglabag sa pangako ng China na hindi sila magtataguyod ng militarisasyon sa rehiyon.
By Rianne Briones