Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga kuwalipikadong mabigyan ng parole na Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa ginanap na cabinet meeting sa Malacañang kanina, inatasan ng pangulo ang DOJ na asikasuhin ang pagpapalaya sa mga presong kuwalipikado sa parole upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.
Nabatid na batay sa accomplishment report ng DOJ na isinumite sa Malacañang, nakapagpalabas ng halos 3,000 PDLs na ang bansa simula July hanggang December 2022.
Samantala, pinabibilisan na rin ng DOJ ang proseso para sa paglaya ng mga PDL sa pamamagitan ng system digitalization ng probation and parole administration.