Nasa kamay umano ng Pangulong Benigno Aquino III kung ipagpapatuloy pa ba ang peace negotiation sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front o NDF.
Ito ang inihayag ni Luis Jalandoni, Chief Peace Negotiator ng NDF.
Iginiit ni Jalandoni na dapat sagutin ng Pangulo ang aniya’y hindi nito pagrespeto sa nilagdaang agreement sa mga rebeldeng komunista noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Tinukoy ni Jalandoni ang Joint Agrement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG na nilagdaan noong Pebrero 24, 1995 at Comprehensive agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law na pinirmahan naman noong Marso 16, 1998.
By Meann Tanbio