Hindi pa matukoy ng pamahalaan ang pagpapatuloy ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, kailangan munang mag-usap ang mga opisyal ng Department of Budget and Management, Finance Department at National Economic and Development Authority upang malaman kung makapaglalaan pa nang panibagong pondo ang gobyerno.
Aniya, anim na buwan lamang ang itatagal ng TCT Program matapos maglaan ang pamahalaan ng mahigit P5-B panibagong pondo.
Layunin naman ng programa na makatulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino o mga benepisyaryo nito.