Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang mga proyektong sinimulan ng nakaraang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos Jr., dapat mapabilis pa ang konstruksiyon ng mga proyekto kabilang na dito ang Metro Manila Subway, Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7), common station at iba pa.
Ayon kay DOTr undersecretary Cesar Chavez, target ng kanilang ahensya na matapos ang MRT-7 mula North Avenue, Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Bukod pa dito, target ding makumpleto ang Manila to Malolos Train Project sa pagitan ng 2024 hanggang 2025 habang paiiralin din ngayong taon ang common station para sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at MRT-3.
Matatandaan na ang Build, Build, Build Program ay isa sa mga legasiya ni dating Pangulong Duterte na malaking tulong ngayon sa mga mamamayan.