Hindi maipagpapatuloy ang pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa bansa hanggang wala pang bagong panuntunan na inilalabas ang health department dito.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na maaaring mailabas ng health department ang bagong panuntunan nito bago ang pagdating ng panibagong batch ng mga AstraZeneca vaccines bago matapos ang buwan ng Abril o sa susunod ng buwan.
Mababatid na una nang inanunsyo ng health department na pwede nang ipagpatuloy ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sang-ayon sa ginawang pagsusuri ng mga eksperto.
Inirekomenda ng FDA ang paggamit ng naturang brand ng bakuna dahil mas lamang ang benepisyo nito kumpara sa risk o panganib na pwedeng idulot nito.