Ipinauubaya na sa susunod na administrasyon ang desisyon kung ipagpapatuloy o bubuwagin na ang Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT.
Ayon kay I-ACT Chief Charlie Del Rosario, naka-depende rin sa susunod na transportation secretary ang magiging pasya.
Maaari rin naman anyang i-abolish o buwagin ng susunod na administrasyon ang nasabing council at magtatag ng bagong task force for traffic.
Samantala, tiniyak ni Del Rosario na itutuloy nila ang pagsugpo sa mga colorum vehicle kahit pa may limitadong bilang ng public utility vehicles na nag-o-operate dahil sa mataas na presyo ng langis.