Hinimok ni Senator at Chairperson ng Senate Committee on Basic Education, Win Gatchalian, ang mga punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng Pertussis o Whooping Cough at sinabayan pa ng mainit na panahon.
Una nang nag suspinde ng klase ang anim na lokal na pamahalaan sa Western Visayas at Iloilo City dahil sa init ng panahon.
Kasunod ng pagkansela o pagsuspinde ng mga klase, maaaring magsagawa ng modular distance learning, performance tasks, o make-up classes.
Matapos ang konsultasyon sa mga stakeholders, kabilang ang mga guro at mga mag-aaral, na inurong ng DepEd ang pagtatapos ng school year 2023-2024 sa Mayo 31 mula Hunyo 14.
Samantala, nagdeklara naman ng mga pertussis outbreaks sa Quezon City at Iloilo City kung saan nasa ilalim na ng state of calamity ang Cavite dahil sa Pertussis Outbreak.
Nabatid na sumampa na sa 40 ang namatay dahil saPertussis mula Enero 1 , hanggang Marso 10. – sa panunulat ni Jeraline Doinog