Naging matagumpay ang pilot implementation ng alert level system upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa National Capital Region.
Ito ang inihayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos eksakto isang linggo simula nang ilarga ang alert level system.
Isa anya sa dahilan ng tagumpay nito ang disiplina ng mga tao sa kabila ng economic activity habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19.
Setyembre 16 nang ipatupad ang alert level 4 sa Metro Manila na nakatakdang magtapos sa Setyembre 30.
Una nang inihayag ni Abalos na i-a-assess ang alert level ng NCR isang linggo matapos ang pagpapatupad nito.—sa panulat ni Drew Nacino