Itinanggi ng Palasyo ang impormasyon na ipatutupad ang bagong COVID alert level system sa buong bansa.
Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na pilot pa lamang ang implementasyon ng bagong alert level system at hindi pa ito ipatutupad sa buong bansa sa Oktubre.
Setyembre 16 nang simulang ipatupad sa NCR ang alert level 4 kung saan pinayagan ang 30% capacity, habang ang indoor dining ay limitado lamang safully vaccinated.
Samantala,pinapayagan naman ang religious gatherings at personal care services ng hanggang 30% capacity.—sa panulat ni Drew Nacino