Handa ng magpatupad ng travel restriction ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga pasaherong papasok mula sa China.
Ito’y matapos ihayag ni BI Commissioner Norman Tansingco habang patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 sa mga probinsiya ng China.
Ayon kay Tansingco, kinukuha na nila ang hudyat mula sa Malacañang at Department of Health (DOH) sa posibleng pagpapatupad ng bagong travel restrictions.
Sa kabila nito, nagsimula na ring magpatupad ang ilang bansa ng hakbang sa pag-iingat sa travel precautionary measures para sa mga pasaherong nagtutungo sa China.
Handa na ang ahensya na ipatupad ang anumang hakbang ng gobyreno upang maiwasan ang panibagong surge sa bansa.
Naiulat naman BI na mahigit 30,000 Chinese tourist lamang ang nakapasok sa bansa noong nakaraang taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla