Nagpatupad na ng ban ang Davao City Government para sa mga manok na papasok sa kanilang lalawigan mula sa mga lugar na may kaso ng bird flu.
Ito ay matapos magpositibo sa h5n1 strain o bird flu ang mga alagang manok sa bulacan at pampanga.
Sa Executive Order no. 19 na nilagdaan ni acting Mayor Sebastian Duterte, hindi na papayagang makapasok ang lahat ng wild birds at produkto nito, kasama ang 1-day old chick, itlog at iba pa.
Mula ito sa mainland at island province ng Luzon na may naitatala nang kaso ng avian influenza.
Nakasaad din sa kautusan ang naitalang bird flu cases sa Tacurong, Sultan Kudarat, Magsaysay at Davao Del Sur nitong Marso at Abril.