Tanging disiplina at hindi bagong batas ang sagot sa malalang problema ng trapiko sa kalsada lalo na sa Metro Manila.
Iyan ang iginiit sa DWIZ ng grupong Motorcycle Rights Philippines kasunod ng naging desisyon ng Metro Manila Council na ipagbawal ang pagdaan ng mga motorsiklo sa mga pangunahing kalsada partikular na sa EDSA.
Ayon kay Jobert Bolanos, tagapangulo ng grupo, masyado na aniyang maraming batas subalit hindi aniya ito ganap na naipatutupad.
“On our part naman po sa Motorcycle Riders’ Organization, tinutulan ho namin ang tungkol sa batas, ang pagsunod dito tapos tinututulan namin yung mga bagong batas dahil ang paniniwala ho namin, ang enforcement ho talaga ang susi dito. Enforcement ho ng existing na batas, hindi ho yung gagawa nalang po ng bagong batas kaliwa’t kanan paiba-iba sila ng batas dito. Ngayon ang nangyayari, kung hindi nila maipatupad ang existing law, paano nila ipatutupad ang bagong law?”Taliwas sa naging pahayag ng mmda na nabawasan ang mga naitatalang aksidente sa kalsada mula nang higpitan nila ang pagpapatupad ng batas trapiko”
Sinabi ni Bolanos na lalong lumala ang sitwasyon sa mga kalsada dahil sa sobrang pag-iingat ng mga motorista na nauuwi sa mga aksidente.
“Kapag kinonfine mo kami sa iisang linya, yung marginal ng safety namin nagiging limited at yung tao, bagama’t hindi kasing trained ng mga seasoned riders, ang nangyayari po sa kanila, imbis na pag-ingatan nila yung marginal safety nung sasakyan, natatakot ho silang mahuli to the point na naaksidente, nabubundol, nasasagasaan, or kung ano ano pa.”