Aminado ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na hindi nila maituturing na matagumpay ang pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, bagama’t matagumpay na nairaos ang implementasyon ng blended learning ay hindi nila lubos na natutukan ang mga bata lalo na ang mga sumailalim sa purong modular distance learning.
Bagama’t bukas pa rin sila sa online learning bilang altertibong paraan ng pagtuturo ay nanawagan ang grupo na ibalik na ang face-to-face classes.
Samantala, binigyan ng TDC ng gradong 7 si outgoing DEPED Secretary Leonor Briones kung pagbabasehan ang naging performance nito sa ahensya at pagtugon sa concerns ng mga guro.