Masyado pang maaga para ipatupad ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor spaces.
Ito’y ayon kay Dr. Maricar Limpin, immediate past president ng Philippine College of Physicians, lalo’t nasa bansa na ang Covid-19 Omicron subvariant na “XBB” at bagong variant ng Covid na “XBC.”
Ikinababahala aniya nilang mga eksperto na isipin ng publiko na maaari nang maging kampante kahit na mayroon pang Covid-19.
Iginiit pa ni limpin na marami pa ang walang bakuna kontra Covid-19 at booster shots.
Naniniwala si Limpin na mas mainam kung bababa ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa upang mahikayat ang mga turista na bumisita sa Pilipinas.