Masyado pang maaga para ipatupad ng gobyerno ang border restrictions at pagtaas ng alert level sa bansa sa kabila ng na-detect na nakakahawang Omicron Subvariant na BA.4.
Ito ang sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante dahil kahit sa ibang bansa na mayroong naitala na BA.4 at BA.5 ay hindi pa rin nag-iimplementa ng border restrictions.
Sa halip, kailangan aniya ng pamahalaan na mahigpit na bantayan ang sitwasyon at isailalim sa test ang mga vulnerable individual na may COVID-19 symptoms.
Matatandaang na-detect sa isang Pinoy na mula sa middle east noong May 4 ang BA.4 na itinuturing na variant of concern.