Siniguro ni Senator Francis Escudero na hindi madaling makalusot ang mga panukalang hinggil sa pagpapatupad ng bagong buwis sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Sen. Escudero na dapat munang pag-aralan ng pamahalaan ang nasabing panukala.
Binuweltahan naman ng Sen. Escudero ang Department of Finance (DOF) kaugnay sa hirit nito na mas mataas na buwis.
Ayon sa senador, kamakailan lamang ay ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs na nakakamit nito ang target revenue.