Aprubado na ng House Committee on Transportation nitong Huwebes ang pagpapatupad ng cashless transactions sa lahat ng expressway para sa mga motorista.
Ito ay isinulong ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma at idinagdag sa House Resolution 159 na humihikayat sa DOTr at iba pang kaukulang ahensya na pabilisin ang implementasyon ng phases 2 at 3 ng Toll Interoperability Project.
Ipinalabas ng DOTr noong 2020 ang Department Order 2020-012 na nagre-require sa lahat ng toll operators na lumipat sa cashless transactions sa pammaagitan ng paggamit ng RFID upang makaiwas sa pakakahawaan ng COVID-19.
Ngunit ito ay sinuspinde dahil sa problemang kinahaharap ng toll operators at mga motorista.
Samantala, sinabi ni Raoul Romulo, Treasurer at Chief Financial Officer ng San Miguel Corporation Slex Inc., na mapapabilis ang paggamit ng RFID ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng toll booths kumpara sa pagbayad ng cash. —sa panulat ni Hannah Oledan