Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 151 kung saan paiiralin na ang alert level system sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng kautusan, ang alert level system ay ipatutupad sa four phases o apat na yugto.
Sakop ng Phase 1 ang NCR, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas at Davao Region.
Phase 2 ang Ilocos, Eastern Visayas at Northern Mindanao.
Phase 3 naman ang Cagayan, Bicol at Zamboanga Peninsula habang sakop ng phase 4 ang CAR, Mimaropa, Caraga at BARMM.
Nakasaad rin sa Executive Order na ang paglilipat sa phase 2 ay maaaring simulan anumang oras matapos ang pagiging epektibo ng kautusan o sa pagtatakda ng IATF, ngunit hindi dapat lumagpas ng pagtatapos ng November 2021.
Ang mga susunod na yugto naman ay magsisimula kada linggo hangang sa full nationwide implementation.—mula sa ulat ni Jen Valencia-Burgos (Patrol 29) sa panulat ni Hya Ludivico