Ipinauubaya na ng Department of Health sa Department of Education ang pagdedesisyon para sa mga estudyante kaugnay sa pagpapatupad ng Covid-19 protocols sa mga paaralan.
Tugon ito ng DOH matapos payagan na ng DepEd ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga silid-aralan.
Gayunman, nilinaw ng DOH na dapat isaalang-alang ng DepEd ang kaligtasan ng mga mag-aaral alinsunod sa Executive Order 3 at 7 ng Pangulo na nagpapahintulot sa optional use ng face masks sa indoor at outdoor areas para sa ilang health settings.
Pina-alalahanan naman ng DOH ang publiko na epektibo pa rin kontra COVID-19 ang patong-patong na proteksyon, gaya ng pagsusuot ng facemasks, pagtiyak na mayroong maayos na bentilasyon at pagpapabakuna.