Epektibo na ngayong araw ang pagpapatupad ng mandatory COVID-19 testing sa lahat ng unvaccinated on-site workers sa bansa.
Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution no. 148 at 149, simula ngayong araw ay obligado na ang lahat ng mga establisyimento at employer na pabakunahan kontra COVID-19 ang kanilang mga empleyadong papasok on-site.
Habang ang mga hindi pa nabakunahan kontra COVID-19 ay kinakailangang sumailalim sa RT-PCR test na sarili rin nilang gastos isang beses kada dalawang linggo.
Ipatutupad naman ang “No Work, No Pay” rule sa mga hindi bakunadong empleyado na kinakailangang magtrabaho on-site ngunit tumatangging sumalang sa mandatory COVID-19 test.
Papayagan pa rin namang pumasok on-site ang mga manggagawang naturukan na ng maski unang dose pa lamang ng COVID-19 vaccine.—sa panulat ni Hya Ludivico