Wala nang atrasan sa pagpapatupad ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng tinatawag na Competitive Selection Process o CSP scheme.
Ito ay ang kontrobersiyal na power-industry reform policy na naglalayong masiguro na mabibili at maipapasa umano sa mga consumer ang power supply sa murang halaga.
Noong Oktubre ay naglabas ng resolusyon ang mga commissioner ng ERC upang mawakasan ang negotiated Power-Supply Agreements o PSAS sa pagitan ng mga distribution unit at power producers.
Pinaniniwalaang ito ang magiging daan para bumaba ang singil sa kuryente ng mga power company tulad ng MERALCO.
Subalit, una nang tinawag ni MERALCO Chairman Manuel Pangilinan na “illogical” ang CSP scheme dahil hindi umano ito nagpo-promote ng mababang halaga ng kuryente.
By Jelbert Perdez