Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na hindi na kailangan ang muling pagpapatupad ng curfew hour sa Metro Manila.
Ayon kay Abalos, nakaself-regulate na ang mga residente sa bawat mga lungsod bunsod narin ng patuloy na pagsirit ng kaso ng Covid-19.
Sinabi ni Abalos, hindi na halos lumalabas ang mga indibidwal sa kanilang mga tahanan dahil natututo na ang mga ito sa lahat problemang kinakaharap ngayon ng bansa partikular na ang covid-19 at panibagong variant na omicron.
Dagdag pa ni Abalos, maging ang mga mall, ilang mga establisyimento at malalaking kalsada ay halos wala nang mga tao at mga motorista.
Sa kabila nito, nananatili parin sa 10pm to 4am ang curfew hour sa mga menor de edad sa National Capital Region.
Kahapon, umabot sa mahigit 39,000 ang karagdagang bilang ng kaso ng covid-19 sa bansa kaya kailangan ng dobleng pag-iingat upang maiwasan ang transmission. –Sa panulat ni Angelica Doctolero