Magsisimula na mamayang gabi ngayong araw ng Sabado, Marso 13 ang implementasyon ng curfew hours at liquor ban sa Pateros, Manila.
Ito ay bunsod ng mabilis na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ayon kay Mayor Miguel Ponce.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Pateros Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) kasunod ng balitang may dinalang 40 OFW’s sa isang hotel sa Lungsod na wala man lang permiso.
Giit ng Alkalde, meron lamang umanong middle man na naghanap ng hotel na pupuntahan ng 40 OFWs ngunit hindi ito nakipag-coordinate sa lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, mayroon nang 76 na naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod mas mababa kumpara sa ibang lugar sa NCR subalit marami kung ikukumpara sa ratio ng populasyon sa Pateros, dagdag ni Mayor Ponce.—sa panulat ni Agustina Nolasco