Binigyang diin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipapaaresto pa rin ang mga menor de edad na pagala-gala mula alas-10:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga sa lungsod.
Ginawa ni Bautista ang pahayag sa kabila ng temporary restraining order o TRO na ipinalabas ng Korte Suprema noong Martes.
Giit ng alkalde, tanging ang city ordinance sa curfew ang saklaw ng TRO ng Supreme Court at hindi ang barangay ordinance.
Dahil dito, muling nagbabala si Mayor Bautista na maaari pa ring manita ang mga barangay chairman o tanod ng Quezon City sa mga batang lumalabag sa nabanggit na ordinansa.
By Jelbert Perdez