Sinuspinde ni Governor Gavin Newsom ang pagpapatupad ng death penalty sa California.
Ayon kay Newsom, hindi epektibo at immoral ang death penalty dahil tumitingin ito sa kulay ng balat at kung mayaman o mahirap ang isang akusado.
Dahil dito, mahigit sa pitong daang (700) nasa death row sa California ang nailigtas sa nakaamba nilang kamatayan.
Si Newsom na isang democrat ay kilalang tutol sa death penalty mula pa nang ipatupad ito sa California noong 2006.
Binatikos naman ni US President Donald Trump ang desisyon ni Newsom at tinawag pa itong sampal sa mukha ng pamilya ng mga biktima ng krimen.
—-