Wala pang desisyon ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa pagpapatupad ng deployment ban sa mga overseas Filipino worker sa Kuwait.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kailangan nilang pag-aralang mabuti ang usapin kasama ang Department of Migrant Workers at ikunsidera ang mga aspetong maaring maapektuhan ng moratorium.
Una nang ipinanawagan ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman Raffy Tulfo ang deployment ban ng mga OFW sa Kuwait matapos ang pagkamatay nina Dafnie Nacalaban at Jenny Alvarado.
Si Nacalaban ang OFW na natagpuang naaagnas na ang bangkay dalawang buwan matapos iulat ng kanyang employer na nawawala habang si Alvarado naman ay nasawi dahil sa coal suffocation. - sa panulat ni Laica Cuevas