Hindi pa napapanahon para magpatupad ng deployment ban ang Department of Foreign Affairs o DFA sa Gitnang Silangan.
Sa kabila ito ng nangyayaring tensyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia bunsod ng pagkakabitay sa isang Shi’ite cleric kasama ang 47 iba pa.
Ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, wala pa sa panahon ang pagdideklara ng deployment ban dahil sa nananatiling kontrolado pa naman ang sitwasyon ng mga Pinoy doon.
Tanging ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA lamang ang makapaglalabas ng deployment ban sa mga Pilipino alinsunod sa umiiral na reglamento sa sandali namang ilagay ng DFA sa level 2 ang crisis alert sa nasabing rehiyon.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco