Binuhay ng Grupong Ako OFW ang panawagang magpatupad ng deployment moratorium ang pamahalaan sa Kuwait.
Iginiit ito ni Dr. Chie Umandap ng Ako OFW Inc. na nakabase sa Kuwait matapos mabitay doon ang Pinay na si Jakatia Pawa.
Ayon kay Umandap, matagal na nilang hiniling ang deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait dahil sa patuloy na paglobo ng mga Pilipino na ngayon ay kinakalinga sa shelter , gayundin ng mga nasa ospital dahil sa pang-aabuso ng kanilang amo.
Bahagi ng pahayag ni Dr. Chie Umandap ng Ako OFW Inc.
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)