Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang Grupong Gun Owners in Action o GO-ACT, upang ipaharang ang pagpapatupad ng election gun ban.
Sa 44 na pahinang petisyon, hiniling ng grupo sa Supreme Court na utusan ang COMELEC para payagan silang makapag-apply at tanggapin ang kanilang aplikasyon ng exemption sa pinatutupad na gun ban.
Hirit din nila na maglabas ang korte ng status quo ante order upang maprotektahan ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas.
Nabatid na sumulat na ang grupo sa COMELEC noong nakaraang buwan para sa kanilang hiling at nakatanggap naman sila tugon.
Tatagal ang election gun ban hanggang sa Hunyo 8.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)