Isang taon lamang tatagal ang pagpapatupad ng Executive Order 128 o pagsusulong ng mababang taripa para sa pork imports at pagtataas ng maximum access volume (MAV) nito.
Ayon ito kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes para hindi sumirit ang presyo ng karneng baboy.
Magiging daan din aniya ang isang taong mababang taripa sa pork imports para makabawi kontra African Swine Fever (ASF) at magkaroon ng repopulation.
Binigyang diin pa ni Reyes na hindi dapat sumakit ang ulo ng mga Pilipino sa mataas na presyo ng karneng baboy kung may paraan naman para mapababa ito.
Meanwhile ‘wag nating pahirapan ang mga consumer sa presyo ng baboy. Sa backyard raisers meron tayong ayuda at pautang… sa commercial raisers meron tayong pautang sa landbank at ADB, ” ani Reyes. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais