Tuloy na ngayong buwan ang pagpapatupad ng Free Mobile Alert Act na nag-aatas sa telecommunication companies na magpadala ng libreng alerto sa kanilang subscriber tuwing may kalamidad.
Tiniyak ito ng PAGASA dahil tapos na anito ang IRR o Implementing Rules and Regulations ng batas.
Ang IRR ay pipirmahan na lamang ng mga opisyal ng gobyerno tulad ng NDRRMC at DOTC.
Sinisiguro ng batas ang parusa sa mga Telco na hindi susunod sa batas o kaya naman ay magpapadala ng maling alerto sa publiko.
By Judith Larino