Binawi ng Inter-Agency Task Force ang pagpapatupad ng General Community Quarantine o GCQ sa National Capital Region o NCR ngayong araw.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mananatili ang quarantine classification ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ hanggang sa Setyembre 15 o hanggang sa maipatupad ang pilot GCQ with alert system.
Dahil dito, hindi pa rin aniya pwede ang indoor at alfresco dine-in services, personal care services kasama na ang mga parlor at massage spa.
Habang pinapayagan naman ang religious services pero ito’y gagawin virtual lamang.
Samantala, papayagan naman ang immediate family members na members na dumalo sa necrological services, wakes, inurnment at funerals basta ang sanhi ng pagkamatay ng isang tao ay hindi dahil sa as COVID-19.
Kailangan lamang na magpakita ng satisfactory proof na kamag,anak nila ang namatay at kinakailangang sumunod sa minimum public health standards.