Pumapalag ang ilang eksperto sa planong pagpapatupad ng granular lockdown sa National Capital Region.
Ayon kay OCTA Reseach Fellow Guido David,hindi naman nabawasan ang bugso ng kaso ng virus ang pagpapatupad ng granular lockdown katunayan aniya ay nagpatupad na nito sa ilang baranggay sa Pasay City noong Marso.
Duda rin sa nasabing lockdown si Doktora Maricar Limpin ng Philippine College of Science.
Aniya, bukas pa rin ang ilang industriya, mahirap para sa mga tao na sumunod sa nasabing lockdown.
Tingin din nila na kung walang COVID-19 testing, contact tracing at hindi maayos na border control, hindi rin uubra ang granular lockdown.—sa panulat ni Rex Espiritu