Hindi pa inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine responses kabilang ang ikinakasang granular lockdowns sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagaman inirekomenda at aprubado na ng IATF ang pagpapatupad ng granular lockdowns simula Setyembre 8, ang Pangulo pa rin ang may pinal na desisyon.
Sa ilalim ng granular o localized lockdowns, tanging health workers ang papayagang makalabas ng bahay pero hindi palalabasin ang mga Authorized Persons Outside Residence.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa hanggang bukas bilang solusyon upang mapababa ang bilang ng COVID-19 cases. —sa panulat ni Drew Nacino