Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hakbang kontra sa mga iligal na armas, bodyguards at iba pang ipinagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, kaniya nang inatasan ang lahat ng kinauukulang yunit ng pulisya na mangalap ng sapat na tao at mga resources sa pag-iral ng panahon ng halalan salig sa COMELEC resolution 1078.
Magsisimula ang panahon ng halalan ng Enero a-9 ng kasalukuyang taon at tatagal ng 150 araw o hanggang sa Hunyo a-8 ng susunod na taon, panahong naihalal na ang bagong administrasyon.
Nakasaad din sa naturang resolusyon ang pagpapatupad ng Nationwide Gun Ban kung saan, tanging ang mga nasa unipormadong hanay tulad ng Militar Pulisya, Coast Guard at iba pang law enforcement agencies ang papayagang magdala ng armas.
Muli amang tiniyak ni Carlos na bibigyan nila ng proteksyon ang mga kandidato na papayagan ng COMELEC bunsod na rin ng nakaumang na banta sa kanilang buhay. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)