Itinuturing na malaking dagok para sa mga Special Education (SPED) teachers ang pagpapatupad ng health protocols para sa mga estudyanteng may special needs.
Ayon sa mga guro, hirap para sa mga estudyante ang sumunod sa ipinatutupad na health protocols sa loob ng classrooms kabilang na ang pagsusuot ng face mask.
Habang hamon din para sa mga SPED teachers kung paano gagawing mas creative ang kanilang paraan ng pagtuturo para makuha ang atensyon ng kanilang mga estudyante.
Sa kabila nito, handa naman ang pamahalaan na magpaabot ng contingency plan kung sakaling may estudyante silang makikitaan ng sintomas ng COVID-19.—sa panulat ni Hannah Oledan