Asahan na ang mas mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga kampo ng Pulisya.
Ito ang inihayag ni PNP OIC P/LtG. Guillermo Eleazar ay upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID 19 sa kanilang hanay.
Maliban sa mga Kampo ng Pulisya, inatasan din ni Eleazar sa basbas ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang mga himpilan ng Pulisya na tiyaking nasusunod duon ang health protocols.
Magugunita nang ilagay ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine o ECQ noong nakaraang taon, naglagay ng mga foot bath para sa mga papasok sa kampo at pinadaraan ang mga ito sa disinfection booth at medical triage.
Nilimitahan din nuon ang mga face to face transaction ng frontline services, pagpasok ng mga tauhan sa kanilang opisina at mahigpit na ipinatutupad ang disinfection saan mang sulok ng mga kampo.
Subalit nang bumaba ang quarantine status sa bansa, nagluwag din ang PNP at ngayo’y unti- unti nang ibinabalik sa normal ang operasyon nito at ngayon ay tanging official visit lamang ang pinapayagan partikular na sa Kampo Crame. —ulat mula kay Jaymark Dagala