Pinahihigpitan pa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng health protocols sa mga pampublikong sasakyan at terminal.
Ito, ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade ay para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na patuloy ngayon sa pagsirit lalo na sa Metro Manila.
Partikular na ibinilin ni Tugade ang mahigpit na pagtutok ng enforcers mula sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at maging sa mga marshals na physical distancing sa loob ng mga public transportation.
Tiniyak ni Tugade na mahaharap sa parusa ang mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan kapag lumabag sa health protocols.