Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney driver kaugnay sa pagpapatupad ng health protocols.
Sinabi ni Joel Bolano, head ng LTFRB Central Office Technical Division, responsibilidad ng mga PUV driver na tiyaking mahigpit na nasusunod ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ani Bolano, may karampatang parusa ang mga lalabag rito.
Kasabay nito, nilinaw ni Bolano na wala namang itinakdang sukat sa paglalagay ng harang ang mahalaga umano ay mayroong magsilbing harang para maiwasan ang pagdikit-dikit ng mga pasahero.