Pansamantalang binawi ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang pagpapatupad ng High – Occupancy Vehicle o HOV lane scheme sa EDSA.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, nahihirapan kasi ang mga tauhan ng MMDA na tukuyin kung naka-car pooling ang mga sasakyang heavily tinted.
Aniya, ililista na lang muna ang lalabag sa HOV lane at ipagpapaliban ang panghuhuli habang pinag-uusapan pa nila kung paano sosolusyunan ang problema.
Saka na lamang ito parurusahan ang mga susuway sa polisiyang ito kapag plantsado na ang polisiya.
Ang High-Occupancy Vehicle lane ay laan para sa mga sasakyang may sakay na dalawa o higit pang pasahero.
—-