Binatikos ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang high-occupancy vehicle (HOV) traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay LCSP head at dating LTFRB board member Ariel Inton, bagaman mabuti ang intensyon ng MMDA na maibsan ang traffic congestion na bahagi ng kanilang mandato, tila mali naman ang kanilang pagpapatupad sa polisiya.
Hindi rin aniya masyadong napag-aralan ang naturang hakbang subalit agad itong ini-anunsyo ng MMDA.
Dumipensa naman si MMDA General Manager Jojo Garcia at iginiit na sinusubukan nilang bumuo ng mga temporary solution sa problema sa masikip na daloy ng trapiko habang hinihintay ang mga long-term solution.
Ipinunto ni Garcia na malinaw naman na “dry run” o sinubukan pa lamang ang HOV traffic scheme subalit agad itong kinontra sa unang araw pa lamang na kalauna’y ipinagpaliban alinsunod sa hirit ng mga senador.