Target ng pamahalaan na magpatupad ng iba’t ibang estratehiya para mapabilis ang booster inoculation sa Pilipinas.
Sinabi ni ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, 3M ang target nilang maturukan ng booster shot ngunit isang milyon lamang ang naitala sa isinagawang third vaccination drive mula February 10 hanggang 18.
Dahil dito, kailangan aniya magpalit ng strategy para mapaigting ang adbokasiya na makumbinsi ang publiko magpabakuna ng booster dose.
Sinabi pa ni Cabotaje na maraming mga empleyado ang ayaw lumiban sa trabaho kaya’t pinag-aaralan nila ang posibilidad na ilipat ang araw ng booster vaccination base sa lugar at sektor.