Plantsado na ang lahat para sa pagpapatupad ng libreng tuition fee sa lahat ng State Universities, Colleges at Technical Vocational institutes.
Ayon Chairperson Patricia Licuanan ng CHED o Commission on Higher Education, natapos na nila ang IRR o Implementing Rules and Regulations para sa pagpapatupad ng batas simula sa pasukan o school year 2018-2019.
Mahigit sa limampu’t isang bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan bilang subsidy sa tuition fee sa mga paaralang pinatatakbo ng pamahalaan.
Mahigit sa dalawampu’t dalawang bilyon ang mapupunta sa mga state universities, mahigit sa dalawampu’t isang bilyon sa tertiary education, at pitong bilyon sa mga technical vocational institutes.
Nakasama rin sa budget ang mahigit sa limampu’t apat na milyong piso para sa national student loan program samantalang mahigit sa isandaang milyon ang nakalaan para sa administrative cost.