Pag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagpapatupad ng liquor ban.
Ito’y sa harap na rin ng ilang insidente kung saan mayroong indibidwal na nagpapatutok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon habang sila ay nasa impluwensya ng alak.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na isusulong ng kagawaran ay ang pag-inom ng katamtamang dami ng alak.
“Ang isinusulong naman ng Department of Health sa alcohol consumption is not total removal of alcohol kundi moderation in drinking. Pag-aaralan pa rin natin kung ano talaga ang magiging mas advantageous sa ating mga kababayan, binabalanse rin po natin sa industriya and manufacturing.”
By Meann Tanbio | Balitang Todong Lakas