Inihayag ng isang ekperto na “overacting” ang mungkahing magpatupad ng lockdown bilang tugon sa naitalang ika-apat na kaso ng Monkeypox virus sa Pilipinas.
Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, hindi naman kasi gano’n kataas ang kasalukuyang monkeypox cases sa bansa at hindi rin ito gaanong nakakahawa kumpara sa COVID-19.
Aniya, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan na mapataas ang kamalayan at kaalaman ng publiko sa nasabing virus.
Samantala, sinabi ni Solante na maaga pa para sabihing may local transmission na ng monkeypox sa bansa dahil sa naiulat na ika-apat na kaso na walang travel history.