Hindi pa kinakailangang magpatupad ng lockdown kahit pa umabot na sa 20 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, kailangan muna na maitaas ang code red sublevel 2 bago mairekomenda ang pagpapatupad ng lockdown sa ilang lugar.
Aniya, nagdedeklara lamang ng code red sublevel 3 kapag may kumpirmado nang mga kaso ng sustained community transmission.
Sa ngayon ay tanging code red sublevel 1 palamang ang nakataas simula noong Sabado, March 7 matapos na makumpirma na nagkaroon na ng local transmission.