Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagpapatupad ng lockdown sa isang barangay sa isang lungsod.
Ito ay matapos hindi sundin ng mga residente ng Barangay Pinget ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa kanilang lugar.
Ayon kay Magalong, pakalat-kalat pa rin ang mga residente sa nabanggit na barangay at maging ang social distancing ay hindi ginagawa ng mga ito.
Aniya una na siyang nagbabala sa mga opisyal ng barangay ngunit bigo pa rin ang mga ito na pasunurin ang kanilang nasasakupan.
Dahil dito, sinaraduhan na ang mga entry at exit points ng barangay at naglagay na rin ng checkpoints para sa maigting na pagpapatupad ng lockdown.