Bukas ang Metro Manila Council (MMC) sa posibilidad na magpatupad ng lockdown sa Metro manila dahil sa banta ng Delta variant.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na depende ito sa ibibigay na rekomendasyon ng mga eksperto, at sitwasyon sa bawat lugar sa NCR.
Ngunit nilinaw naman ni Abalos na sang-ayon sila sa ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.
Nakatakda namang magpulong ngayong araw sina Abalos, Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at Health Sec. Francisco Duque III. —sa panulat ni Hya Ludivico