Hinimok ng OCTA Research Group ang pamahalaan na magpatupad ng paghihigpit dahil sa posibilidad na pagsirit ng COVID-19 sa Metro Manila.
Hindi dapat balewalain ang pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit dahil posibleng dulot ito ng mas nakakahawang Delta variant.
Ayon sa naturang independent group, hindi sapat ang kasalukuyang General Community Quarantine status without restriction at kailangan na ipatupad ang mas mahigpit na quarantine status o restrictions sa NCR.
Sinabi pa ng grupo na kailangan ipatupad ng gobyerno ang lockdown sa ilang bahagi ng bansa at palawigin ang testing at contact tracing sa bansa.
Una nang inamin ng DOH na nakapagtala na sila ng local transmission ng Delta variant.